[untitled]
I cannot write. I have many things I'd like to write, but nothing comes out of my head. Maybe it is because my head is too much clogged up right now, and even though I ponder on many thoughts, I cannot put them into words.
There is a quote in a movie called "Finding Forrester" that says "Write the draft with your heart, and then edit it with your mind". I would say it is true for all occasions. Writing is the best gift God has given any person in this age. To put down to words every thought of the author, me for example.
[contributed by Dong Esguerra]
(2)comments.criticisms.violent reactions
GUSTO KONG MAGSULAT
Gusto kong magsulat. Ngunit di ko alam kung ano ang magandang isulat. Di ko rin alam kung ano bang dapat isulat. Kaya eto, di ko alam kung paano ito sisimulan.
Bakit ko ba gustong sumulat? Kabagutan. Yun siguro ang dahilan. Nandito nga ako sa loob ng maingay na klasrum pero nababagot talaga ako. Naisipan tuloy na umupo sa isang sulok malapit sa pinto at sabay kumuha ng lumang notbuk at ng bagong bolpen. Kaya eto, sinusubukang makapagsulat.
Nung isang araw lang ay sinubukan ko ring magsulat, ngunit iyon ay isang kanta. Sinimulan sa mga simpleng salita at simpleng tugma tsaka sinamahan ng simpleng tunog ng gitara. Kaso di ko na matapos, hindi naman kasi ako ganoon kagaling sa gitara. Kung ganoon ako kagaling, e di sana nakagawa na ako ng maraming kanta. Pero ok lang, marami pa naman pwedeng isulat. Matagal-tagal na din akong hindi nakakasulat ng mahaba-habang komposisyon. Ang naaalala kong naisulat kong mahaba-habang kwento ay may kinalaman sa pag-ibig pero ang mga tula ko kadalasan ay tungkol lang sa sarili ko at sa magulong mundong aking kinagagalawan. Kaya eto, nagmumukha akong psycho.
Matagal ko nang hilig ang magsulat. Ewan ko ba kung bakit ako nalulong sa bisyo ng pagsusulat. Ginawa kong instrumento ang pagsusulat para mailabas ang nilalaman ng isip ko at ng puso ko. Sabi ng mga nakabasa ng komposisyon ko, magaling naman daw ako sumulat. Pero ewan, hindi ako ganoon kabilib sa mga sarili kong sulatin. Ngunit inaamin kong may mga akda akong talagang nagugustuhan ko at di ko ikinakahiyang ipabasa sa iba. Kahit simple ang mga nasusulat ko, natutuwa ako kapag may nakaka-appreciate sa mga ito. Kahit yung malamang may nakaka-relate pala sa mga sinusulat ko, natutuwa na ako. Hindi pala ako nag-iisa sa pagdadrama sa mundo. Pero pagdating sa pagsusulat, madalas mag-isa ako. Nakakapagsulat din naman ako kahit saan, kahit kailan. Basta napagtripan, sige sulat lang. Kaya eto, sa gitna ng klase ko naisipan.
Madalas magulo ang isip ko. Dati hirap akong magsulat kapag ganoon. Sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko, hindi ko malaman kung tungkol saan ang isusulat. Pero minsan, nakagawa ako ng komposisyon tungol sa iba't ibang bagay na nasa isip ko. Yung labo-labo lang. Halos walang topic at walang kinalaman sa isa't isa yung mga pinagsusulat ko. Binasa ko yon at tinuring na isa sa mga pinakapaborito kong akda. Maganda ang pagkakasulat dahil magulo. Tulad ngayon, magulo din isip ko. Kung anu-ano na naming bagay ang naglalaro sa utak. Kaya eto, gusto kong isulat.
Gusto kong sumulat. Kaya eto.
(0)comments.criticisms.violent reactions